Sweet Sassy Princess

a diary of a princess wannabe!

Welcome to my Palace!

Hi I'm Jhellai, a girl with a fantastic and mind-boggling imagination. lols. a photographer wannabe, a frustrated writer and a multimedia artist in the making.

Visit her palace to witness the "princess" journey- Her ups and downs and victory. Will she find the word "everafter?"...

...

"We dream of fairytale endings with our prince fighting the dragon and the evil witch.. but in reality, sometimes the prince simply makes the princess fall in love, then the princess will do all the fighting.."

I miss my blog!

Date: Sept. 8, 2008

Graveh. super duper ever tagal na... tinatamad akong mag blog, wala namang nagbabasa e! haha! dami ng nangyari, dami nang nagbago, dami ng naranasan, dami ng natikman... amf! haha :P nakakamiss, nakakalimutan ko na din kase e... Ok naman ako, masaya minsan malungkot o nakakainis... iba iba.. pero carry lang! hehe :P hmmm kung ano na lang maalala ko.

Friends?
yups! i miss them im glad na kahit busy kami nagkikita kita pa din kami lalo na ng mga college budz ko, recently e wedding ni Nas and Karen, Christening ni baby Cheska- Raq & jeff's baby and Slumber party sa house nila Nas. basta lahat ng photos nyan nasa multiply ko :D haay saya! Last week naman mineet ko ang 2 HS bessies ko si Ivy and Jen, watch lang ng movie, kain then videoke, tagal din naming di nagkita kita na buo kaming 3. kakamiss... kanya kanyang mundo na kase pero masaya at least nabibigyan pa namin ng time ang isa't isa.

Work?
Time flies so fast, naka 6 months na ko as Jr Web Dev sa GTS. Regular na ko, di lang halata haha, makapag file na nga ng sangkatutak na leave! haha. Thanks nga pala sa OPS team sa flowers! ang sweeeeet hehe. I'm ok naman, masaya , kasundo ko mga tao at higit sa lahat gusto ko ung ginagawa ko, minsan kahit dami gawa eh hindi ko nararamdaman na work yun, kase gusto ko ung ginagawa ko parang laro lang! haha. Habang my full time job ako, rumaraket naman ako sa West Side Story (FOH) every weekends, nagstart last friday mag eend yun hanggang 2nd week ng October. sayang din yung income e per show kaya bonggang bongga!, kesa tumambay lang ako sa house at gumimik e rumaket na lang, kumikita ka pa! titiisin ko na lang ang walang rest day ng napakahabang panahon, kase at the end of the day naman e marami naman akong salapi! haha joke baka makidnap me :P ciempre namiss ko na din ang mga shows na ganyan, at ang mga taong naka work ko sa mga events, na nakita ko ulit :D haaay nakakamiss...

Hobby?
Same old hobby, Photography! I'm still using my Sony H7, wala pa kong DSLR, tsaka na yun as long as na eenjoy ko pa si Sonic (my H7) minsan my shoot, sama mga photographer wannabes friends. Right now wala akong time dahil sa work at raket. Gusto ko ng bagong hobby ung kakaiba kase halos lahat ng tao puro camera na hawak! hehehe

Plans?
Wala akong plano! joke. Yung plan ko last summer na magenrol sa isang Art Class hindi natuloy wala kase akong nakita at kulang din sa time. Gusto ko sana i enhance yung painting/ drawing skills ko kase nwala e. i can't paint/ draw na ng matino unlike before, dapat kase nagpractice ako. Gusto ko sana mag enroll this sem ng PHP Programming / Java Programming / Project Management / Flash with Action Script kaso wala ding time. :( May pinaplano ako next year pero hindi ko sasabihin :P

Lovelife?
No Comment!


haaay yun lang... blog ulit ako pag my naisip na ko na my sense! haha :D


2 comments:

  1. Jhari said...
     

    bakit parang di ata ako kasama dito sa FRIENDS updates mo kambal? huhuhu!

  2. aNjELLa said...
     

    my ganun? adik! basta di kita nalilimutan :D

Post a Comment