Sweet Sassy Princess

a diary of a princess wannabe!

Welcome to my Palace!

Hi I'm Jhellai, a girl with a fantastic and mind-boggling imagination. lols. a photographer wannabe, a frustrated writer and a multimedia artist in the making.

Visit her palace to witness the "princess" journey- Her ups and downs and victory. Will she find the word "everafter?"...

...

"We dream of fairytale endings with our prince fighting the dragon and the evil witch.. but in reality, sometimes the prince simply makes the princess fall in love, then the princess will do all the fighting.."

OLD EMAIL cont...

Marami kang iniisip, naiisip at gustong isipin. Pero mas gusto mong
malaman ng lahat ng tao ang lahat ng kabangagan mo. Wala lang.
Magpapansin. Umasang may mag-rereply sa senseless thoughts mo. Mag-
advice. Magsabing, "Oo.. naiintindihan kita.."

Pero ayos lang sayo kahit di nila basahin to. Bakit pa? Sino ka ba?
Nakakadiri. Ayaw mong tuksuhin ka nilang, "yuck!! Ang mushy mo pala!!"

Sa lahat ng kaibigan mong humihingi ng advice tungkol sa pag-ibig,
ang sinasabi mo lang palagi, "Tange, kalimutan mo na lang yang
nararamdaman mo. Korni mo e. Ang OA mo pa. Guguluhin lang nyan buhay
mo." Ang sasabihin pa nila sayo, "Talaga? Buti ka pa, wala kang
lovelife. Di ka stressed. Di ka kinakabahan palagi --"

"At di ako mukhang tanga."
May na-offend ka na naman. Pero pakialam mo ba sa kanila? Totoo naman
a.
Tapos bigla mong mare-realize, may p roblema ka na rin pala. Hayop
talaga. Gusto mong sumigaw. Bakit may nanggugulo na rin ng buhay mo
ngayon?

Ang dami mong crush, grabe. Yung isang classmate mo sa Math17, isa sa
Hum1, dalawa sa Geog1, dalawa sa PE2, isa sa Math100 at isa sa
Chem16. Si Mike Bravo ng Maroons, si George Chia ng Blue Eagles, si
Kogore ng Shohoku. Si Dao Ming Shi at si Mei Zhuo ng F4. Si Enrique
Iglesias. Si Legollas. Si Ron Weasley.

Sixteen. Imagine?
Pero di naman nila ginugulo ang buhay mo.
Ayos lang di ba? Kaso may isang taong di mo maintindihan kung bakit
kahit anong gawin mo, talagang ginugulo pa rin niya yung buhay mo.
Para siyang mangkukulam. Kahit saan nakikita mo siya.

Inalis mo na noon yung pangalan nya sa phone mo. Kaso sinulat mo pa
rin yung number nya sa diary mo. Engot ka talaga. Tapos nilagay mo
ulit sa cell mo. Tapos inalis mo ulit kase nainis ka. Naihagis mo pa
nga sa kama mo yung phone mo e. Tapos naisip mo wala rin namang e
pekto kung nasa cell mo siya o wala? kaya nilagay mo na lang ulit.

Tapos binura mo na talaga ngayon. Panahon na para kalimutan na talaga
sya --- naiisip mo.
Okay na? Hinde. Mas malala.
Na-memorize mo na kase yung number nya. Tsk tsk tsk. Naaawa ka na
talaga sa sarili mo.
Naiinis ka pa kapag sinasabi sayo ng mga kaibigan mo, "Nakita ko sha
sa A.S. kanina." Asar na asar ka. Sabay sigaw with matching facial
__expression, "PAKEELAM KO?"

At magtatanong sila ng isang tanong na matagal mo nang hinihintay na
sagutin sa harap ng maraming tao: $B!&(B"Baket? Ayaw mo na ba sa
kanya?"

Tatahimik ka muna. Parang si Lei sa harap ni Tang Chin. Magbubuntung-
hininga. Tititigan silang lahat na naghihintay ng sagot mo.

Biglang magkakaron ng split personality disorder, ngingiti at
magsasalita: "Sino yon?"
Nagandahan ka sa ginawa mo. Effective. Wow, para talagang di na nya
kilala.
Biglang makikit a mo siya. Ayun. Mabubuwisit ka talaga. Maaalala mo
yung mga panahong pinagmukha ka niyang tanga. Yung panahong kailangan
mo siya. Yung panahong iniwan ka nya sa ere, Yung panahong
tinalikuran ka nya.

Masisira ang araw mo. Wala ka sa mood makipagtawanan. Sisigawan mo
ang kaibigan mong natapakan ang white rubber shoes mo. Gugustuhin
mong balatan ng buhay ang lahat ng taong nagtatanong kung bakit ka
wala sa mood. Hihilingin mong mong makapag-teleport ka papuntang
Egypt.

At bigla mong maririnig ang isa sa mga kaibigan mo, "Ganyan talaga
pag in-love!" May background pang mga palihim na tawa. At sabay-sabay
silang kakanta ng --- Why do birds suddenly appear?

Di ka makakapagsalita. Mararamdaman mong umiinit yung tenga mo, yung
leeg mo, yung mukha mo. Bigla mong maiisip ang pinakaepektibong
palusot, ngingiti at magsasalita, "Sino yon?"

Ayos na sana, kaso di mo naisip na mali yung statement mo. At bago mo
pa mabawi ang sinabi mo, sasabihi n na nila, "Baket? Me sinabe bang
pangalan??? Yak!! Halata!!!"

Feeling mo masusunog na sa init yung mukha mo.
Kahit anong pilit mong kalimutan siya, mabilis talagang kumalat ang
balita. Minsan naglalakad ka. May masasalubong kang dalawang taong di
mo kilala. Magbubulungan sila. Titingnan ka, mula ulo hanggang paa,
at maririnig mo ang isang bulong: "Yan ba?"

Grabe, ang ganda na naman ng araw mo.
Di mo na lang papansinin. Kahit nakikilala mo na sila. Isang araw
naman nakikipagkwentuhan ka sa isang ka-block mo. Gwapo. Niloloko mo
pa nga tong taong to na siya na ang pinakagwapong taong nakita mo sa
personal. Hehe, tawa nya. Ang saya-saya mo, biglang may dadaan sa
likod mo na dalawang taong di sinasadyang naging pamilyar na sayo.
Lumingon ka, at pagtalikod mo, nagsalita ang isa: "Pinagpapantasyahan
e no..." Sasagot ang isa pa, "Oo nga..."

Oh hindee!!! Anong nagawa mo??
Titigil ka na sa pakikipagkwentuhan. Aalis ka n a lang na punung-puno
ng sama ng loob.
Naaasar ka sa lahat ng tao. Bakit kailangang pakialaman ang buhay ng
taong ni hindi nila kilala? Bakit kailangang pagtawanan at ipagkalat
ang mga bagay na di na dapat pinag-uusapan? Marami pang version yung
mga naririnig mo sa kanila. Minsan ganito, "Siya yun." O kaya, "Ows?
Yan yon?" Hayop. Marathon eavesdropper ka kase.

Kahit ikaw mandidiri sa iniisip mo.
At matapos mong malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya, kahit
yung nilihim nya at nalaman mo lang nung tapos na, naisip mong
kalimutan na lang talaga siya.

One time nakipag-chat ka.
musta luvlyf?
meron b?
...wlang kwenta
ows? bkt?

basta. wla syang kwenta.
mahal mo?
huh?
mhl mo p rn un.
weh
honestly, mhl m p rn ba?
argh!
ewan
wlang kwenta pero mhl mo?
tsk tsk < ; BR>Matitigilan ka. Tititigan mo yung monitor ng
matagal.
am i ryt?
hey
Ita-type mo yung "gtg" nang di oras. May kasama pang "nys miting u"
para di halatang nabwisit ka sa sinabi nya. Alt-F4. Disconnect. Shut
down.

Asar na asar ka na talaga sa sarili mo. Di mo na gustong mag-
teleport. Gusto mo na lang talagang ma-dissolve sa hangin.

Ikaw na ngayon ang nangangailangan ng advice. Pero walang kwenta
lahat ng sinabi nila. "Kalimutan mo na siya!" PAANO? "Wag ka kase
magpapaapekto. Wag mo isipin yung sinasabi ng ibang tao." HA?!? ANG
LABO!!! "Marami pang iba jan!" EH SIYA NGA LANG EH!!! Aasarin ka pa
kapag sinabi nilang, "Bakit di na lang si _____? Yihee! Okay naman
siya ah." Ngek, ano yun, ganon lang kadali?

Nakatitig ka ngayon sa monitor. Pabalik-balik ka lang sa lyrics.com,
sa CRS, at sa email composer mo. Nakakainis. Di mo na alam kung ano
pa ang sasabihin mo.

Tama, bwisit sa buhay yang feelings na yan. May magtatanong
pa, "Bakit mo ba yon mahal?" Wow pare, wala kang maisagot. Buti pa sa
Math pwede kang manghula ng formula, pwede mong paglaruan ang
solution mo. May partial points ka pa. Eh sa tanong na yon? Tsk tsk.
Malabong mangyari yon.

At kung BS Love and Affection ang course mo, 'tol' mas mabuti pang
mag-shift ka na lang sa BA Emotionlessness and Insensitivity habang
maaga. Malamang magkita pa kayo don.

Paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo na wala ka na talagang
pakialam sa kanya. Pero bakit pag nakikita mo siya, natitigilan ka pa
rin? Minsan, kaibigan mo na yung nagsasabi sayo, "O, kala ko ba wala
na?"

Tatawa ka na lang. Lalakasan mo par a di mahalata yung teary eyes mo.
Di ka na naman makakapagsalita. Litong-lito ka na. Di mo alam kung
bakit nga ba ganon. Kung bakit ka apektado. Kung bakit nagbabago ang
lahat pag nandiyan siya. Kung bakit gustung-gusto mo siyang bigyan ng
nerve cells para maramdaman niya ang lahat, Lahat.

Ngayon, ipapadala mo to sa mga kaibigan mo, sa mga ka-block mo, at sa
iba pang taong wala talagang pakialam sayo. Sa kanilang lahat, di mo
alam kung sino talaga ang may tiyagang tapusin ang ganito kahabang
senseless na mensahe. Di mo rin alam kung sino talaga ang mag-iisip
para sayo. Di mo alam kung sino ang maaapektuhan.

Somehow, gusto mong ma-disconnect ka na lang bigla. Maubusan ng
internet credits. Sabugan ng pc. Mag-brown-out. Biglang mag-collapse.
Umiyak. Malunod. Maging ipis. Uminom ng Skele-Gro. Mabagsakan ng
asteroid. Maglahong parang bula.

Kase, tama yung sinabi ng naka-chat mo. Sinasabi mong walang kwenta,
pero mahal mo.
Sobra.

0 comments:

Post a Comment