Masaya o Malungkot?
Ang bilis bilis ng panahon... sobra, hindi ko alam kung magiging excited ba ako o hindi. gusto ko munang huminto yung ikot ng mundo. Ang dami pang katanungan na gusto kong mabigyan ng kasagutan. (ang lalim) Ang dami kong gustong gawin. Hindi ko alam kung ano ang tama at ang uunahin ko pero alam kong magagawa ko yun. Masaya ako ngayong panahong ito pero hindi ko lang maintindihan bakit sa tuwing masaya ako, may taong nararamdaman kong naiinis dahil masaya ako, hindi ako maintindihan kahit ipaliwanag ko na. sige ako na lng yung mali, ok lang sa akin, ako na lahat, ako, ako, ako... at hindi ko kailangan magpaliwanag pa sa ibang tao kung ano man ang totoo, akalain na nila kung ano ako, sabihin na nila ang gustong sabihin sa akin, wala akong paki alam. ok lang sa akin kung ano magiging tingin ng iba basta ang mahalaga kilala ko yung sarili ko kung ano ako. Parang minsan gusto ko na magpapanggap na lang ako na malungkot dahil nararamdaman ko mas maayos sila pag malungkot ako, tahimik ang buhay. hindi ko maintindihan- paranoid lang ba ko? pero eto yung nararamdaman ko ngayon. Lagi na lang ako ang nagbibigay o nagpaparaya para lang sumaya yung mga tao sa paligid ko... pero kapag ako na? parang nararamdaman ko tutol na ang lahat.
Bawal ba akong maging masaya?...
Tama na ang drama.
Bawal ba akong maging masaya?...
Tama na ang drama.
0 comments:
Post a Comment