Sweet Sassy Princess

a diary of a princess wannabe!

Welcome to my Palace!

Hi I'm Jhellai, a girl with a fantastic and mind-boggling imagination. lols. a photographer wannabe, a frustrated writer and a multimedia artist in the making.

Visit her palace to witness the "princess" journey- Her ups and downs and victory. Will she find the word "everafter?"...

...

"We dream of fairytale endings with our prince fighting the dragon and the evil witch.. but in reality, sometimes the prince simply makes the princess fall in love, then the princess will do all the fighting.."

Meron Akong Kwento. . .

Summer nanaman noon. Ciempre anjan ang Outing, Swimming, Camp, Beach etc... Ang dami kong planong puntahan pero hindi natupad dahil sa sobrang luwag na schedule ko. haha! Infairness nakapag Baguio and Pangasinan ako nung Holy Week . Fun ang summer ko dahil sa mga Adik na nakilala ko… Ewan ko ba kung pano na hire tong mga to kalalabas lang ewan ko kung saan… Unang Adik na pumasok…
Ciempre Ako: Feb 14, 2006 Araw ng mga Puso. “Ang pagbabalik!” (1 week Rest, ko mag resign sa dati kong job) Ok naman payapa... Nung 2nd day ko, Mag 1 lang ako sa Musicademy (Shang) Nasa HO kase silang lahat. wala ng papayapa pa. Salamat sa mga papel, paper clip, stapler, ballpen, lapis na aking nakasalamuha. ang saya! Panalo sa Social Life!. Preparation ng Playshop, Admin Manual, Teachers Manual, Training and everything… kamusta naman tong mga nagsitraining? nagresign. Nawindang ang mga lola kaya nag hire ng bago.
***
Well share ko lang to:Isang araw, 1 babaeng pumasok sa Musicademy (May hawak na Resume).
JHELLAI: Yes… Ma’am?
GIRL: Hi, Ako yung friend ni Lala… Pinapupunta kase ako dito ng Ate nya.So tawag ako sa Pioneer….RIIING!!!!
JHELLAI: Hello? Ate Lans? (nabosesan ko na) May Naghahanap po sa inyo, Friend ni Lala, magpapass po ata resume.
T.LANI: O cge jells kunin mo na lng resume nya.
JHELLAI: ah ok cge po bye
T.LANI: Ok Bye.Baba ng fone…
JHELLAI: Hey iwan mo na lng Resume mo.
GIRL: ah ganun?... (nag iisip) ok cge…
JHELLAI: Ok thanks!
Ciempre pakialamera ako inopen ko ung folder… ang name nung girl ay ABELYN DE JESUS… sinabi ko sa isip ko, “mukang ok cya, mukhang mabait, mukhang Smart, at… (teka hindi ko ma type eh…) PORMAL!!!”
***
Back to my story. So ayun… Unti unti na ngang dumating ang mga Adik sa Playshop…Una kong Nakilala…

CHARO DAVID a.k.a. Ms. Charo Santos
Famous line: “Yup!”
“Kase ako, Personally…”
Kamukha ko si Mandy Moore…(paniwalaan na natin cya)”
Ang daldal! detalyado magkwento. Nka assign cya sa enrollment, memorize nyan 1000 students ng playshop pati balance! San ka pa! Ginagawa nya yung work nya kahit daming reklamo minsan hehehe! (Ipaglalaban ang kanyang sarling pananaw! Hahaha), Hindi ko makakalimutan ang pagtula nya ng “NIDO” Panalo! Lahat ata ng mga freebies ng Oishi kinulekta nya! Frustrated Photographer nung Outing sa Punta Fuego. Hehe! Thanks for being a mom to me… (Joke) ”besfen!!! (eeeew!) haha. Ka chika nya lagi si Aby.

ABY DE JESUS a.k.a. ABYnormal: Site Coordinator. “Puro na lang ako, ako, ako…”
Famous line: “and everythiiing!!!”
Sa una, Ok toh… First Impression siempre, Ako una nyang na meet nung nag pass cya ng resume. Dalagang Pilipina…(haha!) Tahimik. Di nagtagal lumabas din ang tunay na kulay… Autistic. tsk tsk tsk PAUNAWA: Don’t be fooled by her looks!. Ang kuleeet, Nagmimeeting kami about sa outing lahat nasa office… pero cya nawawala. Nasaan cya? Ayun nasa bodega, nagiinventory ng supply! Wahaha!!! Adik… Suki ni Ian sa Candy!!! Laging tulog!!! Ganda ng sulat, Very Artistic promise!!! Hahaha! Mahal na mahal nya yung mga laruang kotse nya. Hahaha. Ka Alternate Ni Mae sa Site.

MAE ALMIREZ a.k.a Miss Minchin: Playshop Site Coordinator.
Famous line: “No Running!”
Sosyal ang lola moh, Certified Pasaway. “Are You a Christian?” remember? Hahaha! Huwag kaung magkamaling dumaan sa harap nya kung ayaw nyong masaktan. Kinatatakutan ng mga Playshopper. Hmmm… Lagi na cya maagang pumasok…Nagbagong buhay kaya nabigyan ng parol!haha. semi asst ni josephus! Haha. All around! Future Bouncer! actually Bouncer nga sya sa backstage ng AFP nung showcase haha! Ms. Photogenic itoh. Friend at churchmate nya si Adji.

ADJI RUIZ a.k.a. Sugar (Why Sugar? Later…) Musicademy Site Coordinator. “Oh ang hirap mong akyatin! Kay taas ang hirap abutin!” haha.
Famous Line: “Kamusta naman?!?”
Meron akong kwento:…
***
Location: Head Office, Pioneer. Saturday June 10,2006. 1pm
ADJI: Nakakatawa yung student sa Musicademy si Gael, tawag sa akin Sugar!Sabi ba naman dati, Hi Ate Sugar!!! Mommy oh si Ate Sugar!!!”
JHELLAI & ABY: hahaha!!! (deadma…)
Makalipas ang ilang Minuto, binuksan ang TV- Palabas: Eat Bulaga- Bulagaan (Lumabas si Sugar)
JHELLAI: (Napatingin kay Adji) hahaha!!! Kamukha mo nga si Sugar!!! Wahahaha!!!
ABY, IAN, ATE AMOR: (tingin kay Sugar at Adji) waaahahaha!!! (lahat tawa ng tawa)
ADJI: (deadma) ganon?!?!!!
JHELLAI, ABY. IAN, AMOR: wahahahahahahahahahahahahahahaha
(Lahat nag agree na kamukha nya si Sugar!!!)
Tapos na kwento. yun lang. haha ;P
***
Simula nun cya na ang pambansang Sugar ng Playshop! Lahat ng Trumpets and Playshop Staff agree na kahawig nya si Sugar!!! Nakkaloko tong babaeng to, certified Adik!!! Suki ni Ian sa Candy! Laging Late!!! Babaeng Bakla… Sarap kasama, laging masaya… Bestfriend nya si Ate Liza.

LIZA GAMBOA: AFP Site Coordinator. a.k
Di ko sya masyadong nakasama kse sa AFP cya e tapos napuntang Musicademy. basta bestfriend cya ni Sugar. yun lang hahaha Type nya si Ian (wala lang nang may mai connect lang ha? haha!)

IAN RAPLH DARIO MARTINEZ a.k.a. Mang Dario (haha!) “Pasan ko ang daigdig!” Certified Martyr.
Famous Line: Crazy!!!
Adik!!!
Sarap barilin sa luneta! lahat ginagawa! Haha! Ginagawa lang naman nya yung tungkulin nya kahit daming reklamo. Haha! joke! Ok …Hindi kumpleto ang araw sa Playshop kung hindi mo maririnig ang mga lines na toh:

“Ian, T-shirt!!!”
“Ian, Pa burn!!!”
“Ian, Script!!!”
“Ian, Photocopy!!!!”
“Ian, Certificates!!!”
“Ian, Merchandise!!!”
“Ian, CD!!!”
“Ian, VCD!!!”
“Ian, Susi!!!”
“Ian, Pakulot, pagupit, pamanicure, papedicure, laba, luto, plantsa” (hahaha joke!)

Lahat na ata ginawa nya sa Playshop, Kung wla cya? Goodluck! haha!. Masipag, Lahat ng Favor mo gagawin nya, pagbuhatin mo, ok lang. sabog sa umaga. Windang sa hapon Adik ka ba? Haha. Ayaw nya Matulog, Galit sa Suklay, Promise. Masungit minsan, haha! Problemado dahil sa mga T-shirts na nawa2la! dealer ng candy! :P Lage nalng ako tinutukso dito… hindi nila alam, pareho kaming… girl! hahaha!!!! uy JOKE JOKE JOKE IAN!!! peace tayo!!! hehehe
***
Haaay sayang nga mejo naging close na lng kaming lahat nung huli na kse hindi na kami ganun ka busy… pero siguro kung nabigyan kami ng chance na magspend ng time together for sure tandem ito! Ang saya!... may adik, may pasaway, may martyr, may abnoy, may matanda, may bata, may ngipin, may wala, may buhok, may kalbo.. hahaha! Saan ka pa… Isang Opisinang parang Bahay ni Kuya… And daming tasks, tuwing linggo lang Malaya, minsan may task pa din hehehe… E sino ba si “Kuya”?

AMOR MENGUEZ a.k.a. Kuya (haha!) “Ako na ang may sala sa naiwang kaldereta”
Famous Line: “Hindi ako late!”
Heto ang laging windang, All around din, Assistant ng lahat. Gusto nya kami laging nakikita… mas gusto nyang makita kaming tulog sa teacher’s lounge kesa mag undertime. Haha! Wag ka dati napagkamalan yang teacher ng streetdancing... haha!!! Minsan nawawala yan, yun pala nasa Musicademy…Dinadalaw si T. EM*N!!! ang kanyang dreamboy! wahahaha joke.haaay napakabagal nito maglakad, nasa 5th level na ko, nasa foodcourt pa lang cya. (haha exag!) ang bigat kase… ng dala nya! O yan ha,,, Kahit pasaway kami for sure ma mimiss mo din kami.huhuhu, Ikaw na bahala sa mga yearbook ko, ingatan mo yan… huhuhu.

Isama na natin c ate Kiwi... Ang babaeng papaya lang ang lunch... ang babaeng wala ng buhay... wala ng sigla... haha! OK lang sexy naman cya! hahaha! uuuy!!! hehehe Very Professional pagdating sa work, yun nga lang pinaghintay kami nung outing. 5AM sa starbux-shang, 6:30 cya dumating! pasaway!!! hahaha!!!

***
Grabe 3-4 months din kmi nagkasama sama lahat ng taga Trumpets, Playshop, teachers, students, marshalls, si sef a.k.a Dorothy!!!..hahaha! ciempre si Ate Lani ang aming Bossing ;) hehehe So yan lang po wala na ko maisip… posts na lang kau ng comment kung gusto nyo gumanti ng banat sa akin hahaha!!!Photo taken last April 21. Thanks Mr. Jeff Arcilla

Thanks Guys for this wonderful memory kahit super busy tau. Sorry din kung meron man :). Maniwala kau o hindi 1 ito sa masayang summer ko dahil sa mga bagong kaibigang nakilala ko. Keep in touch guys! I hope to see you again... THANKS for everything. Lav yah! muaaaah!!! comment lang jan.. cge! God bless!!!

Thanks te cha for the pix! (solo pic) ;)

0 comments:

Post a Comment